Linya ng paksa: Online ang semestre sa Taglagas – magparehistro na ngayon!

Minamahal na mga estudyante sa Cañada College, CSM, at Skyline College:

Online Ang Semestre sa Taglagas
Ang semestre ng Taglagas 2020 sa Cañada College, Kolehiyo ng San Mateo, at Skyline College ay magiging online para sa karamihan ng mga programa pang-estudyante. Nagkasundo ang ating mga miyembro ng faculty, pangasiwaan, at Lupon ng mga Tagapangasiwa na ito ang pinakamahusay na paraan para mapanatiling ligtas ang ating mga estudyante at empleyado sa kabuuan ng taglagas. 

Mayroong ilang pagbubukod para sa mga kurso/lab sa mga larangan ng mga serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan at emerhensiya, pati na rin sa STEM, at iba pang piling lugar. Gayunpaman, kahit ang mga kursong ito ay naka-hybrid na format na online ang mga lektura at tanging ang mga kinakailangang lab lang ang gagawin nang personal. Tutukuyin ang mga partikular na kurso sa mga paparating na linggo at uugnayan kayo ng inyong instruktor tungkol sa mga detalye.

Online ang mga Serbisyo sa Estudyante Hanggang Disyembre 2020
Lahat ng mga serbisyo sa estudyante ay magpapatuloy hanggang Disyembre 31, 2020. Maaaring mayroong ilang serbisyong siguradong kakailanganing gawin nang personal, kaya magbibigay kami ng mga detalye sa tag-araw.

Online ang Tag-araw
Gaya ng inihayag noong nakaraan, gaganapin online ang mga klase sa tag-araw. Magandang pagkakataon ito para sa’yo na maghanda para sa taglagas o humabol sa mga kursong maaaring kinailangan mong i-drop o nalampasan mo. Tingnan ang WebSchedule para sa lahat ng mga kursong mayroon sa tag-araw.

Kailangang Bawiin O Baguhin ang mga Pagpipilian sa Pagmamarka Mo?
Kung kailangan mong mag-drop ng klase o magbago ng pagpipilian sa pagmamarka sa Pasado/Hindi Pasado, maaari mong gawin iyon hanggang isang araw BAGO ang huling araw ng klase. Mariin naming iminumungkahing makipag-usap ka sa iyong tagapayo bago mo gawin ang mga desisyong iyon, dahil maaaring maapektuhan nito ang pag-unlad ng iyong akademiko at kakayahang lumipat. Tingnan itong Mga Bagong Gabay sa Estudyante para sa pinayagang pagbawi, pasado/hindi pasado, at hindi kumpleto na pagpipilian sa pagmamarka. Narito ang paraan kung paano mauugnayan ang iyong tagapayo:

Cañada Counseling
CSM Counseling
Skyline Counseling

Magparehistro Kahit May Hindi Pa Nababayarang Maliit na Halaga!
Alam namin na mahirap ang panahon ngayon at hindi namin gustong isakripisyo mo ang iyong pag-aaral. Kahit pa mayroon kang pagkakautang na hanggang $49 sa bayarin sa Distrito, maaari ka pa ring makapagparehistro para sa mga klase sa tag-araw at taglagas. Narito kami at gusto naming matapos mo ang iyong pag-aaral, kaya kung nahihirapan ka sa pagbabayad sa paaralan paki kontak ang Opisina ng Kahera sa inyong Kolehiyo para malaman ang mga pagpipilian sa pagbabayad:

Cañada Cashier’s Office
CSM Cashier’s Office
Skyline Cashier’s Office

Hiring ang Census! Mag-apply Online Para Maging Manggagawa sa Census. At Sagutan ang Census Mo!
Pinahaba ang Census nang apat pang buwan, at nagha-hire ang San Mateo County ng mga tauhan na sasahuran ng hanggang $30/oras. Mag-apply online sa www.2020census.gov/jobs. Kung nakapag-apply ka at kailangan ng teknikal na tulong, paki tawagan ang aming Support Desk sa 1-855-562-2020, at piliin ang Opsyon 4.

Alam mo bang maaari mong sagutan ang talatanungan ng 2020 Census online? Magtungo lamang sa www.my2020census.gov. Higit pang matuto sa website ng San Mateo County Census 2020.

Kailangan Mo Ba ng Matitirhan, Tulong sa Pagkain, o Batayang Serbisyo?
I-dial ang 2-1-1 para sa hindi-emerhensiyang pagkukunan o magtungo sa District website para sa mga lugar na maaaring puntahan para sa tulong.

Makakuha ng Pinakabagong Impormasyon sa Distrito
Pahina ng Distrito sa COVID-19
Hotline ng Telepono: 650-574-6650