Sa Lunes, Setyembre 14, ilulunsad ng Distrito ang libreng access sa Wi-Fi para sa mga mag-aaral sa lahat ng tatlong campus. Ang bagong serbisyo na “Drive-Up Wi-Fi” ay magbibigay-daan sa mga mag-aaral na mag-park sa isang natatanging dinisenyong parking lot sa campus na kanilang napili, kung saan maaari nilang ma-access ang Wi-Fi para dumalo sa mga online na klase o gumawa ng gawain sa paaralan.
Ang programa ay ginawang posible ng team na binubuo ng mga kawani at tagapangasiwa ng Distrito na nagtatrabaho para magdisenyo ng isang sistema na magbibigay ng maginhawang pag-access ng mga mag-aaral sa Wi-Fi habang pinapanatili ang mga kahilingan sa kalusugan at kaligtasan ng Distrito habang may pandemya.
Kinakailangan ang reservation. Maaaring piliin ng mga mag-aaral ang campus na malapit sa kanila, punan ang form ng Eventbrite reservation, i-print o i-download ang kanilang ticket sa Eventbrite, at sundin ang mga tagubilin. May mga banyo na puwedeng gamitin. May pribilehiyo ang mga mag-aaral na pumasok/lumabas sa lote ng Drive-Up Wi-Fi sa pagitan ng 6am – 8pm.
Drive-Up Wi-Fi Website/Reservations
Oras ng Drive-Up Wi-Fi ng Mag-aaral
Cañada College:
Lunes – Biyernes, 6 am – 8 pm
College of San Mateo:
Lunes – Sabado (maliban sa Biyernes), 6 am – 8 pm
Skyline College:
Lunes – Biyernes (maliban sa Miyerkules), 6 am – 8 pm
Mga Panuntunan sa Drive-Up Wi-Fi ng Mag-aaral
- Suriin ang mga sintomas ng COVID-19 at manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
- Mag-reserve sa Eventbrite at dalhin ang iyong ticket sa campus
- Mag-check in sa Public Safety Access Point
- Magmaneho papunta Wi-Fi lot at pumarada sa anumang espasyo na may cone na GREEN
- Miyembro lamang ng sambahayan ang puwede sa isang sasakyan
- Lahat ng nakasakay sa sasakyan ay dapat manatili sa loob ng sasakyan maliban kung kailangang gumamit ng banyo
- Basahin at sundin ang mga panuntunan sa iyong Eventbrite ticket
- Sumunod sa Student Code of Ethics
Para sa higit pang impormasyon, mangyaring tignan ang District Drive-Up Wi-Fi website.